Friday, September 16, 2005

liham sa kaibigan kong payaso...

Kaibigang Payaso,

Salamat sa iyo.. lahat ng kaibigan ko'y napapabilib ko..di lang nila alam na sa bawat patawa ko'y ikaw ang inspirasyon ko.. lahat nga ng kilos mo sa entablado'y kinokopya ko.. kaya tuwing inuman namin duon sa kanto... halakhak ng tropa'y todo todo..

Lahat naghihintay sa dulo ng sasabihin ko.. lahat nag-aabang sa punchline na bibitiwan ko.. at tsak yun! panigurado.. may malalaglag pa sa pagkakaupo..

Kaya naman sa bawat palabas mo'y ticket paniguradong bumibili ako.. iniipon ang bawat sentimo upang kahit papano'y sa bandang harap ako maka-upo.. dinig ko ang hagalpak ng mga tao.. saksi ako sa palakpak ng mga nasa paligid ko..

Kanina ulit pumunta ako.. pinakamahal na ticket pa ang binili ko!.. upang madinig ng husto bawat sasabihin mo.. napagmasdamang maiigi bawat gagawin mo.. sinabi ko na't di ako nabigo!.. tawa ng todo todo.. sumakit ng husto ang tyan ko.. kaya naman kita iniidolo!.. limot ko lahat ng problema ko..

pagtapos ng palabas, dalidali, sa back stage pumunta ako.. naisip kong makipagkwentuhan kahit ilang segundo.. pa-autograph kung makaswerte ako.. sabi ng guard sa dressing room sa kaliwa ko.. sabay nginuso ang ikatlong pinto.. kaya ayun.. tumuloy naman ako.. abot tenga ngiti ng lolo mo!..

Kakatok na lang ako, nang napansin kong naiwan mong bukas ang pinto.. at mula sa awang nasilip kong may kausap ka sa telepono.. ilang saglit pa'y may napansin ako.. wala na ang mga ngiti mo.. tahimik.. madilim.. tanging sinag ng bumbilya ang nakikita ko.. unti unti naaninag kong dahan dahang may pumapatak mula sa mga mata mo... di lang isa, dalawa o tatlo, mahigit pa nga yata sa pito o walo.. nalasahan ko ang alat ng dumampi ang mga to sa labi mo.. naramdaman kong nilamukos nito ang dibdib mo..

napayuko ako't tumalikod.. di na tinuloy ang balak ko...

ikukwento ko sanang namatay kanina ang isang pinakamamahal ko.. at napatawa mo ako.. naisip kong wag ng bulabugin ang katahimikan mo.. kaya umuwi na lang ako.. sinarili muli ang nararamdaman ko..

pero sumulat parin ako para sabihing.. napatawa mo ako.. gayun din ang tropa ko.. Salamat Kaibigang Payaso..

sana kasing lakas mo ako..
-BULOY-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home