Thursday, July 07, 2005

Hanggang Kelan?.. Hanggang Ilan?... (an open letter to all my fellow Filipinos)

Musta Kaibigan?

I am in India right now and hardly get any news from the Philippines.. i only base my inputs from friends and the inq7 on the net.. cable television is a luxury in this part of the world according to my employer here.. but i was really saddened by what is happening again in our country... i am neither pro nor anti-gloria.. i haven't voted her even.. pero ang tanong.. hanggang kelan?.. hanggang ilang ulit pa ba tayong pupunta sa EDSA?.. pagtapos nito.. ano na?.. eleksyon ulit?.. sino papalit?.. tapos, pag di na naman nagustuhan.. EDSA ulit?...

wala na ba talagang pag-asa?.. o ayaw lang natin talagang aminin na di na tayo nagkakaisa?.. kanya kanyang ambisyong pampulitika!.. sarili muna.. bahala ka na.. but before we complain about our government.. let us first ask ourselves.. have we done anything to help the Philippine Government at least?..

kelan nga ba tayo huling bumili ng sapatos yari sa Marikina?.. pano magkakatrabaho kung walang bibili ng produkto?..foreign investors?..eh natatakot na agad kasi walang ginawa kundi magsiraan at maglabasan ng baho sa trabaho..

yung balat ng kendi kanina, san na?..maliit na bagay lang yun pero, if we would not do our part, how can we lessen the budget on the solid waste management and flood control.. sayang rin yun..it can be allocated for health and education di ba?..

nga pala, anong lumabas sa jueteng kanina?.. teka, hindi yata excuse ang "lima-limang piso lang" or "libangan lang naman".. supporting these illegal gambling activities is still supporting them.. kahit limang piso lang to...

poor education system ba ika mo?.. eh naturuan mo na ba anak mo?.. or masyado kang busy sa trabaho?..

are we paying the right taxes?.. or isa rin tayo sa mga nangungupit?.. so anong pinagka-iba?.. wag nating sabihing.. milyon kasi ung sa kanila.. ang maliit.. madalas ay lumalala..

nagbayad na ba tayo sa isang poncio pilato para mapabilis ang proseso?.. kitam?.. edi pumayag rin tayo sa corruption.. tapos ngayon magrereklamo tayo..

have we ever tried volunteering our spare time in our own little way to help others improve themselves.. lots of NGO's there, which need ACTIVE AND DEDICATED VOLUNTEERS.. Red Cross even needs you (excuse lang po sa mga manggagamit at may mga pansariling interes..tumabi tabi kayo't hindi ito ang lugar nyo..hehehe) but seriously, the less fortunate people are waiting for our HONEST AND SINCERE help.. it doesn't really have to be big.. mga simpleng bagay.. pag pinagsama-sama, dami nayun!.. mga simpleng karunungang pwede nilang magamit balang araw para makalayo sa lansangan.. yun nga lang lapitan mo sila.. laking bagay na sa kanila.. kaya ayun tuloy, nagagamit ng mga abusadong may kapangyarihan.. kahit labag sa loob.. walang magawa.. kapit sa patalim ika nga.. kailangang lamnan ang kumukulong sikmura.. kundi mamatay silang dilat ang mga mata.. ba't di natin sila subukang pakinggan minsan?.. makipag kwentuhan, makipagtawanan.. at alamin ang tunay na nilalaman..

i dont mean to be a lecturer here.. but rather a friend who plea for us to stop for moment and try to think.. let's analyze things first before opening our mouth.. move rather than talk.. and move forward, not backwards.. before we comment, is there any better suggestion we can give?.. "the one who dont have sin may cast the first stone" ika nga.. please, let's throw this "crab-mentality" for once and help each other.. the first thing we must have in mind is to work FOR OUR COUNTRY.. yes, we have our own personal aspirations and ambitions.. we have our own dreams we wish to fulfill.. ako rin naman meron eh.. pero sana po wag nating kalimutan.. we have our obligation to our motherland too.. hindi lang to trabaho ng presidente or ng kung sino mang naka-upo.. para ano pang tinatawag natin syang INANG BAYAN kundi natin aalagaan?.. isn't it that we have our dreams of giving our family a better future?.. nagsusumamo rin sya.. kung pwede nating syang isali sa mga ambisyon natin at, sa bawat kilos natin, san man tayo nandoon.. wag po sana nating kalimutang PILIPINO TAYO.. let's work together now or else sama sama tayong babagsak!... kaibigan.. kilos na tayo.. alam kong may pag-asa pa.. wag ka sanang bibitaw kaibigan.. PARA SA INANG BAYAN..

isang kaibigang umaasa...

Athan
----------
Dugong Pinoy.. May Prinsipyong Pinoy..
----------
sa bawat paglubog ng araw, may mga talang tumatanglaw.. may isang buwang nangangakong sa dilim ay di ka mapapako..
konti na lang.. ilang ikot na lang.. at di na rin magtatagal.. bukas makalawa, uuwi na rin sa minamahal..

1 Comments:

At 5:48 AM, Blogger _emanon_ said...

hello? hello? hello? ang sinungaling ay kapatid ng mandaraya!! hehehehe... pre alam mo ba kung sino ang sugo? eh alam mo kung sino ang gaganap na ZUMA?

 

Post a Comment

<< Home