Thursday, September 22, 2005

My Bhaji Pav....

what is Bhaji Pav?.. it is made of Bhaji & Pav.. hehehe!

it's a vegetarian dish originally came from Mumbai, India.. been one of my favorite here.. & finally, tonight, i was able to learn how make it.. wanna know how?.. really?!.. ok then.. get ready.. here's how..

INGREDIENTS:

Bhaji:
Onion & Garlic (finely chopped - my employer don't eat this because they are Jains - a religion under Hinduism - so just set them aside for me.. hehehe!)
Tomatoes (blended - siguro pwede na rin tomato sauce dito)
Salt & Pepper (to taste)
Green Bell pepper (to see & smell.. hehehe! tama ba yun?.. wakokoko!)
Oil (butter is tastier)
Lemon (walang kalamansi dito!.. dituloy ako makagawa ng toyomansi!.. hahaha!-hmm, where's the tequila?)
& ALL THE VEGETABLES YOU HAVE IN THE FRIDGE! (as in kahit ano pwede! - but more commonly used ones were - potatoes, cabbage, green peas, cauliflower & banana)

Pav: (pronounced as pao -as in siopao!)
Bun (or sliced bread kung walang monay!)

PROCEDURE:

Bhaji:
You make gisagisa the onion and garlic in oil (eh sa nakalimutan ko english ng gisa eh!.. PT po ko kaya pasensya na po!.. hehehe!).. then when its dark brown, throw it away kasi sunog na yun! , it should only be light brown..hehehe!..
as i was saying, when its already brown, pour the tomato puree (naks!).. then mix mix! (halu haluin in tagalog! - sabi sa nyo, di ako kusinero eh!)

Be ready with your vegetables.. make sure that they were already boiled in water (of course) with some lemon & salt to taste (hindi ba dapat tongue to taste, nose to smell & eyes to see?).. then mash them with fork, syanse, palupalo, pandikdik or kahit anong pwedeng dumurog..

then pour them into the tomato, onion & garlic mixture you had made (kitam.. hindi na halata kung ano mang gulay ginamit mo or kung ano mang pandikdik ang ginamit mo!.. kasi reddish na sya!.. masarap ng tingnan!.. hehehe!.. ).. then add your Green bell pepper para may design konte.. add now some Lemon, ground black pepper, chilli powder, tarmarick powder, and bhaji pav masala (na hindi ko alam kung san mabibili sa Pinas - pero pababaunan daw ako ng amo ko.. hehehe!) .. you're Bhaji is ready..

Pav:
Put some oil (mas trip ko ang butter) in the pan.. and painitin ang tinapay.. tapos!.. hehehe!

HOW TO EAT:

serve them while its hot.. some onion toppings & corindier leaves (kinchay) may also be added as garnishing.. (naks ulit!) serve some lemon pieces (masarap syang may lemon).. taas ang paa sa silya.. pumilas ng konting Pav using your fingers tapos isawsaw (i cant find the right term pero parang ganun) sa bhaji .. ibuka ang bibig at isubo ang Bhaji Pav!...

Friday, September 16, 2005

liham sa kaibigan kong payaso...

Kaibigang Payaso,

Salamat sa iyo.. lahat ng kaibigan ko'y napapabilib ko..di lang nila alam na sa bawat patawa ko'y ikaw ang inspirasyon ko.. lahat nga ng kilos mo sa entablado'y kinokopya ko.. kaya tuwing inuman namin duon sa kanto... halakhak ng tropa'y todo todo..

Lahat naghihintay sa dulo ng sasabihin ko.. lahat nag-aabang sa punchline na bibitiwan ko.. at tsak yun! panigurado.. may malalaglag pa sa pagkakaupo..

Kaya naman sa bawat palabas mo'y ticket paniguradong bumibili ako.. iniipon ang bawat sentimo upang kahit papano'y sa bandang harap ako maka-upo.. dinig ko ang hagalpak ng mga tao.. saksi ako sa palakpak ng mga nasa paligid ko..

Kanina ulit pumunta ako.. pinakamahal na ticket pa ang binili ko!.. upang madinig ng husto bawat sasabihin mo.. napagmasdamang maiigi bawat gagawin mo.. sinabi ko na't di ako nabigo!.. tawa ng todo todo.. sumakit ng husto ang tyan ko.. kaya naman kita iniidolo!.. limot ko lahat ng problema ko..

pagtapos ng palabas, dalidali, sa back stage pumunta ako.. naisip kong makipagkwentuhan kahit ilang segundo.. pa-autograph kung makaswerte ako.. sabi ng guard sa dressing room sa kaliwa ko.. sabay nginuso ang ikatlong pinto.. kaya ayun.. tumuloy naman ako.. abot tenga ngiti ng lolo mo!..

Kakatok na lang ako, nang napansin kong naiwan mong bukas ang pinto.. at mula sa awang nasilip kong may kausap ka sa telepono.. ilang saglit pa'y may napansin ako.. wala na ang mga ngiti mo.. tahimik.. madilim.. tanging sinag ng bumbilya ang nakikita ko.. unti unti naaninag kong dahan dahang may pumapatak mula sa mga mata mo... di lang isa, dalawa o tatlo, mahigit pa nga yata sa pito o walo.. nalasahan ko ang alat ng dumampi ang mga to sa labi mo.. naramdaman kong nilamukos nito ang dibdib mo..

napayuko ako't tumalikod.. di na tinuloy ang balak ko...

ikukwento ko sanang namatay kanina ang isang pinakamamahal ko.. at napatawa mo ako.. naisip kong wag ng bulabugin ang katahimikan mo.. kaya umuwi na lang ako.. sinarili muli ang nararamdaman ko..

pero sumulat parin ako para sabihing.. napatawa mo ako.. gayun din ang tropa ko.. Salamat Kaibigang Payaso..

sana kasing lakas mo ako..
-BULOY-

Tuesday, September 13, 2005

hahahahahaha

hahahahaha!
tawa ako ng tawa...
eh pano ba naman yung isang mama..
ang tanga tanga!..

eh kung di naman ba tangang matatawag...
di nga yata nag-iisip ang kumag..
gustong pa yatang daigin si superman..
di man lang inisip pansariling kapakanan..

bigla akong lalong napahalakhak!
sa katunayan, luha'y di napigilang pumatak..
nung aking napagtantuang..
ito pala'y salaming may bitak..